“ISALI ANG MAMAMAYAN SA PAG-UGIT NG PAMAHALAAN, HINDI ITO MONOPOLYO NG IILAN”

Bigyan ng puwang ang mamamayan sa pamamahala ng gobyermo. Kahit anong plataporma ang ihain sa mamamayan manalo lamang ay pawang hungkag at walang saysay sa mamamayan. Sapagkat ang lahat nang iyan ay inihahain lamang para sila ang iboto. Sa madaling salita “PAWANG PANGBIBILOG LAMANG NG ATING ULO”

Buksan ang pintuan para aktibong ilahok ang mamamayan sa pagpapatakbo ng pamahalaan. Walang politiko at/o kandidato sa marikina na nagbubukas ng ganitong pagkakataon sa mamamayan.

PEOPLES EMPOWERMENT, PEOPLES PARTICIPATION IN GOVERNANCE ito ang magtitiyak na may kaunlaran ang ating pamayanan at hindi lamang ng iilan. Isabatas ng Konseho ang pagpapatupad ng Article 63 at Article 64 ng Local Government Code.

Kung isasakatuparan ang mga nasabing provision ng batas, ito ang magbibigay ng katiyakan sa mamamayan na sila ay maisasali sa pagbubuo ng programa at pagpapasya dito sa pamamagitan ng kanilang sektoral na kinatawan, at kinatawan ng anumang grupo.

Hindi ito imposible sapagkat mayroong batas na umiiral para dito, kung walang kandidato at/o poliitiko na nagnanais sa ganitong kaayusan, nasa mamamayan ang kapangyarihan para igiit ang lahat ng ito. Sa pamamagitan ng pagkakaisa ng bawat isa, sa pagtutulungan ng magagawa natin ito kahit pagkatapos pa man ng halalan.

“NASA PAGKAKAISA ANG LAKAS, NASA PAGLABAN ANG TAGUMPAY, IPAGLABAN AT KAMTIN ANG Peoples participation in Governance”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s