Palasyo, tiniyak na ‘di pondo ng bayan ang gastos sa kampanya ng admin candidates

Tiniyak ng tagapagsalita ng Malacañang nitong Biyernes na hindi manggagaling sa pondo ng bayan ang gagastusin sa kampanya ng mga kandidato ng administrasyon sa darating na May elections.

Ang pahayag ay ginawa ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, upang pabulaanan ang alegasyon ng oposisyon na ginagastusan ng pamahalaan ang mga kandidato ng administrasyon na pinangungunahan ng Liberal Party.“That goes without saying that the government is prohibited from spending any public funds on elections. The minority congressmen should also know that,” paliwanag ni Valte sa isinagawang briefing sa Malacañang.Tiniyak din ni Valte sa oposisyon na magsusumite ng tamang listahan tungkol sa pondo at donasyon ang LP sa Commission on Elections (LP).

“If they are looking for the campaign expenses of the Liberal Party that will be duly submitted within the prescribed time by the Comelec for the list of donors and expenditures,” ayon sa opisyal.

Binalewala rin ni Valte ang patutsada ng kampo ng United Nationalists Alliance (UNA) na ang mga kandidato ng LP ang dapat magtrabaho ng husto dahil naiiwan ang mga ito sa survey.

Ginawa ng UNA ang naturang pahayag bilang reaksiyon sa naunang sinabi ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, na natural lang na maunang maglabas ng political ad ang UNA dahil nahuhuli ang mga kandidato nito.

“From the last survey that I saw, there are a good number of candidates that are on the LP slate that were up there. So I don’t know what survey this particular spokesperson was looking at,” buwelta ni Valte .

Hindi rin umano matatawag na “sortie” o pangangampanya ang ginawang pagpunta ni Aquino sa Cebu kamakailan kasama ang ilang senatorial candidates.

“From what I understand, the event in Cebu was a local LP event. That was not a sortie, if you will, but it was a local LP event that all the LP leaders were there,” paliwanag ni Valte . — FRJ, GMA News

January 18, 2013 8:25pm

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s